Stock Market Investment and Trade Strategies - JayceeDeGuzman.com
Jaycee De Guzman

Jaycee De Guzman

Hi! I'm Jaycee De Guzman. I have helped thousands of Filipinos trade independently and execute investment plans profitably through the Stock Signals Philippines. I have also helped thousands of international clients and businesses from 100+ countries build their online presence and boost their sales through iPresence Business Solutions. Read my About Me page.
Jaycee De Guzman

Two days ago, nagsulat ako ng article where I mentioned “waiting points” dun sa Price-Volume Distribution charts ng ilang mga stock. Nanganak ngayon ng ilang katanungan yung article na yun. Ano yung mga “waiting points”? Ano ba talaga ang importance ng may kaalaman sa Price-Volume Distribution chart ng isang stock?

First off, ano itong Price-Volume Distribution Chart? Saan ito nage-generate?

May Price-Volume Distribution Calculator ako. You can request for the Price-Volume Distribution chart of any stock in the Private Clients Forum of the Stock Signals Philippines.

Alternative tool ang PVD calculator para dun sa mga walang access sa intraday charts ng isang stock.

Para sa akin, mas mabilis kong nakikita ang intraday support at resistance levels ng isang stock sa isang tinginan lang sa PVD chart. Hanapin mo lang yung mga pinakamahahabang volume bars (yung mga green na horizontal bars).

Ano bang meron bakit may mahahaba at maiiksing volume bars?

The more na humahaba kasi ang volume bar, the bigger is the volume. Ganun lang yun. Kada volume bar nakatapat sa isang price point dun sa left-hand side.

Eh ano ngayon kung may mahahabang volume bar sa ilang mga price points?

Aba, importante yun. Kapag may ilang nag-i-standout, in terms of laki ng volume sa ilang price point, ibig sabihin dun napapadalas ang mga transaction ng mga trader (whether buy or sell transactions).

Bigyan ko kayo ng examples.

Ito ang PVD ng LC. Kapag nakita mo yan, agad-agad alam mo kung saan ka maghihintay o ta-time-ing. Kung nasa buying side ka, alam mo kung saan ka mag-aabang (0.221 at 0.222). Kung nasa selling side ka, alam mo rin kung saan ka pupwesto sa pagbebenta (0.224 at 0.225, although nakikita naman natin na manipis ang chance na tumakbo ulit ang price dun sa area na yun).

Price-Volume Distribution Sample 1

Ito pa. PVD ni PXP. Gaya ng sabi ko sa taas, yung mga mahahabang volume bars na yan ay mga clue kung saan ka mag-aabang ke nagbebenta or bumibili ka.

Price-Volume Distribution Sample 2

Nakatulong ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here