When Is the Best Time to Buy or Sell a Stock
Jaycee De Guzman

Jaycee De Guzman

Hi! I'm Jaycee De Guzman. I have helped thousands of Filipinos trade independently and execute investment plans profitably through the Stock Signals Philippines. I have also helped thousands of international clients and businesses from 100+ countries build their online presence and boost their sales through iPresence Business Solutions. Read my About Me page.
Jaycee De Guzman

When is the best or right time to buy or sell a stock?

May okay-pa-sa-alright na timing ba sa pagbili or pagbenta ng stock?

Anong araw or oras maganda bumili o magbenta ng stock at aling mga stock ang magandang ibenta or bilhin sa mga oras o araw na ‘yon?

There’s no standard or universal answer to this question. This question has been beaten to death sa totoo lang. Kumporme yan sa risk profile, investment horizon, at current situation or circumstance ng tao.

Kung yung natitira mong cash ay budget mo sa pagpapa-repair ng mausoleum ng mga namayapa ninyo, malamang sa hindi it’s not the right time for you to buy today. Ilang araw na lang undas na eh. Isang halimbawa yan ng “depende sa scenario or circumstance ng tao”.

Situation or Current Circumstance

Pababa ang price ni TEL (PLDT). Kapag tinanong mo ang 2 long-term investors if magandang bilhin ang TEL mamaya pagka-resume ng trading (after recess), hindi porke pareho silang long-term investors ay pareho sila ng isasagot sa iyo. Kung value investor ang isa, baka NO ang sagot nya. Kung growth investor ang isa, baka YES ang isagot nya. Ang value investor ay naka-focus sa PRESENT. Ang growth investor ay naka-focus sa FUTURE. Isang halimbawa yan ng “depende sa investment horizon”.

Investment Horizon

Bumawi si CHP after 4 days na downtrend sya. Is it the right time to buy? Kapag tinanong mo ang 2 traders, puwedeng magkaiba rin ang sagot nila kahit pa pareho silang short-term traders. Kung yung isa ay momentum trading, puwedeng YES ang isagot sa iyo. Kung yung isa ay bagito sa trading, puwedeng NO ang isagot nya sa iyo kasi buy-near-support ang strategy nya. Major support ni CHP is near 11. Nasa 11.40 na si CHP as of 12 noon today. Isang halimbawa yan ng “depende sa risk profile”.

Risk Profile

Kung susumain ninyo, walang tulong na maidudulot yung magtatanong kayo kung “is it okay to buy or sell si ganito o ganyan” pwera na lang kung yung sasagot sa iyo ay data-oriented ang isasagot sa iyo.

Kung “Magbodega ka na tsong!” lang ang sagot sa iyo pero hindi nya binanggit yung data na ginawa nyang basihan kung paano nabuo ang conviction nya na kabode-bodega nga ito, bili ka ng tiket ng eroplano and make sure 3 continents ang distansya mo sa taong yun. Delikadong kausap yung mga taong tunog sure na sure pero hindi mo mawari kung ano yung pinanghugutan ng conviction nila. Dyan nabibiktima yung mga young traders at investors – yung lunok lang lunok ng hindi nginunguya yung kinakain.

Okay lang magtanong basta wag nyo lang kalimutang magkaroon ng personal assessment based sa sarili ninyong risk profile, investment horizon at situation or circumstance. Hindi tayo pare-pareho sa 3 na yan.

6 COMMENTS

  1. Ang nangyayari kasi during the trading day:

    magsell c foreigner AB ng lahat ng milyones na shares nya sa isang kompanya tapos automatic babagsak yong price nung company na yun then bibilhin ni foreigner CD ang lahat ng shares na yun base dun sa bagsak na presyo. Pagkabukas bibili uli c foreigner CD at foreigner AB ng additional shares na napaka dami para aakyat na naman uli ang price ng kompanyang yun.

    Problema: c foreigner AB at foreigner CD ay iisa lang pala. What a strategy..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here