Get Up, Pick Up Your Mat, and Walk

0
1267
“Get up, pick up your mat, and walk.”
 
For the longest time, I’ve been asking myself why was Jesus so artistically detailed in describing how He healed a person every time.
 
I’m an amateur writer. I am artistically descriptive when I write product descriptions or fictional stories. Hindi ba pwedeng “Walk” na lang ang sabihin nya? Dahil hindi naman pwedeng maglakad yung tao na nakadikit pa ang gulugod sa higaan. Paano maglalakad yun kung nakahiga? Automatic naman talagang tatayo yung tao mula sa sapin nya para makapaglakad, di ba? Nakakita na ba kayo ng taong naglalakad sa daan nang pahiga? Wala di ba? Tsaka, ba’t pati yung bulok na hinihigaan, bakit kailangang bitbitin pa yun? Itapon na lang kayo yun? Pero bakit Nya laging pinapabitbit yun?
Jesus Christ
 
As I was digging deeper for an answer this morning, something dawned on me. Kung lumpo ka ng ilang dekada, tsaka ka patatayuin, sa palagay mo ba maniniwala ka kaagad sa tao at tatayo ka nga ba talaga kaagad? O iismirin mo lang yung tao at sasabihin mong,”Get lost. Ilang dekada na akong lumpo tsaka mo pa ako bibiruin na tumayo? At gusto mo pang bitbitin ko itong hinihigaan ko? Di na nga ako makatayo at makalakad, bibitbitin ko pa to? Perahin mo na lang kaya yang advice mo sa akin, mas mabuti pa?”
 
Jesus wanted to teach us something. What was it? He wanted to teach us that FAITH PRECEDES HEALING.
 
When He said, “Get up, pick up your mat, and walk”, perhaps, He was, in a way, saying, “Hanggat hindi mo sinusubukang gawin ang mga bagay na inakala mong impossible, hindi mo masusungkit yung blessing. Get up. Imposible? Yun ang sabi mo. Pick up your mat. Imposible pa rin? Yun ang sabi mo. Pero sinasabi Ko sa iyo, get up, pick up you mat, AND WALK. Paniniwalaan at susundin mo ba Ako?”
 
Lastly, why was it needed to pick up the mat and sling it on the man’s shoulder? Why? Because it’s a sign of a PERFECT HEALING. It’s a sign that, through your own wounds, you can heal others’ wounds also. Pansinin nyo na lang, alin ba sa mga post ko ang mas nila-like nyo? Yung mga kwento kong from rugs to riches or yung mga riches na kaagad ang entrada? The former, of course. Why? Dahil marami sa inyo ang nakakarelate at nararamdaman nyo sa sarili nyo na, “Wow, may pag-asa pa! Nanggaling rin pala si Jaycee sa hirap. Kung kinaya nya, aba’y kaya ko rin!”
 
To wrap this up, you need to believe to get the blessing. Once you’re blessed, don’t be ashamed to tell the world about your wounds. Carry your stories wherever you go. Tell the world how Jesus healed you from sickness and from debt. The best healers in the world are wounded healers.
 
Good morning, friends!

Jaycee De Guzman

Jaycee Silverio de Guzman is a computer scientist by profession. He is the founder and CEO of iPresence Digital Marketing, Inc. and Equilyst Analytics, Inc. He is a husband and a father.
Jaycee De Guzman

Do you have a comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.