How Do You Change a Nation?

0
549

Ibaba mo yang nakakunot mong noo at irelax mo yang salubong mong kilay. Yung title lang ang straight in English.

Masalimuot ang politics. Okay lang na i-clorox at ikula ang mga kandidato, pero isama din natin ang mga sarili natin. Sa katunayan, dapat nga almirolin natin ang mga sarili natin, pagpapaluin pa nga, gamit ang palo-palo, sa ibabaw ng makinis na bato sa tabi ng ilog o sapang may malinaw na tubig.

Ang malaking porsyento na panggagalingan ng mabuting pagbabago ay hindi makikita sa mga halal o ihahalal pa lamang kundi sa bawat isa sa atin. Kaninong mata, tenga, kamay, paa, ngipin, dila, daliri, apdo, atay, at bato (isama na pati yung bato sa bato) ang pinakamalapit sa atin? Sarili natin.Sarili mo. Sarili ko.

Madaling magcomment pagdating sa kapalpakan. Kahit lasing, bagong gising o bagong tuli, may masasabing mali mula kay Eba at Adan hanggang kay President Aquino. Hindi na kataka-taka dahil yung iba nga may nakikitang mali sa Diyos.

Ang mahirap ay yung magcomment patungkol sa sarili nating mga kapalpakan. Pero dun tayo dapat naka-focus – sa mga bagay na may control tayo. Hindi ko sinasabing wag nang aralin ang mga kumakandidato. Aba, aralin pa rin. Importante yan. But don’t dwell on them. Magfocus tayo sa sarili natin. Mas malapit ang balun-balunan mo sa sarili mo kaysa sa balun-balunan ng kahit na sinong kumakandidato.

I spent 2 minutes writing this post about politics, citing what we, collectively, should be doing. I will now spend 15 hours working, directly for the improvement of my own self and of my family, and indirectly for the improvement of this nation through the people that I influence.

Individualism is underrated, but that’s where we need to start working.

Yes, hindi malayong walang nagkalat na mga tuyong dahon at dumi ng aso sa Palasyo o sa kahit aling capitolyo. Pero may mga nagkalat na tuyong dahon, at pag minsa’y dumi ng aso, sa sarili kong bakuran. Kamusta yung bakuran nyo?

How do you change a nation?
You change a nation one self at a time.

Kung di kayo agree. Ganito na lang.
On your mark.
Get set.
Magreact-na-ang-mga-may-de-floorwax-na-bakuran-na-ginayakan-pa-ng-mga-batong-galing-pang-Jupiter go!

Jaycee De Guzman

Jaycee Silverio de Guzman is a computer scientist by profession. He is the founder and CEO of iPresence Digital Marketing, Inc. and Equilyst Analytics, Inc. He is a husband and a father.
Jaycee De Guzman

Do you have a comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.