My Reaction Paper on Popoy and Basha’s the Second Chance

0
1962
My wife and I watched the Second Chance in cinema last night. We were hurrying up to catch up with the 8:45PM LMF. There was a very long line at the parking area. Impatiently, I asked my wife, “What would these people do at the mall at this hour of the night? They should be at home sleeping.” I realized isa rin pala akong mahilig. At 8:30PM, there was still a half-kilometer line at the cinema counter. Mapera ang mga tao. I think may higit na dahilan kaysa dun. Ano yun? In-love pa ang mga tao, which is good.
 
Those lines at the parking area and counter are proofs that people are not that insensitive. There is hope. Be fearful when no one wants to watch relatable films like this amidst the calamities and wars that are happening around the world. Right?
 
It was good to see young people in their 20s watching this film last night. Maybe 95% of movie-goers last night were in their late 20s.
 
Millenial couples and those couples na kaedad na siguro ng mga parent ko, manood din po kayo. Hindi totoong pang teenager at pang bf/gf lang ang kilig moment. Kumukulubot lang ang balat pero yung puso nyo nung magbf/gf pa lang kayo, sya rin ang pusong dadalhin ninyo sa pagtanda. Hindi po naipapa-derma ang ka-kill-joy-an.
 
Sa kasal, default script na yung “for better and for worse”, pero maraming nayayanig pagdating nung “for worse”. Nakakalimutan natin minsan na “AND” ang conjunction na ginamit at hindi “OR”. Wag ilabas sa ilong yung phrase na “and for worse”.
 
Pinagmamasdan-masdan ko yung mga tao kagabi. Halos magkahawak-kamay lahat habang nanood. Kasama na kaming mag-asawa dun. I noticed, kapag nakikita ng isa yung katauhan nung ka-partner nya dun sa isang scene, kinukurot nya. Maganda yun. This film is a good medium para magbalik-tanaw ang lahat sa kung ano ba talaga ang importante sa buhay.
 
Mahirap ang buhay-may-asawa. Yung single ka lang eh minsan badtrip na badtrip ka na sa sarili mo for an unknown reason. Paano pa kaya yung mamuhay ka habambuhay kasama yung isa ring nababadtrip sa sarili nya sa hindi malamang kadahilanan din.
 
Compatibility in a relationship is impossible – yun ay kung ikaw at ang spouse mo lang. Kailangan nasa gitna si Lord. Sure, magkikita kayong mag-asawa when both of you look up to God. Pero kung kayong 2 lang, magkakaroon ng relational drift. Yung mga isla sa buong mundo nagdi-drift ang mga yan. As years go by, inch by inch dumidistansya ang mga isla sa kapwa isla. Galit ba ang mga isla sa isa’t-isa? Hindi. Ganun lang talaga yun. Nature eh. Ganun din sa relational drift pagdating sa tao. Di naman kayo galit sa isa’t-isa pero as years go by, papalayo kayo ng papalayo sa isa’t-isa dahil walang tunay na Diyos nakapagitna sa inyo.
 
I’m not affiliated with Star Cinema, but I’m encouraging you to watch this film. Alam nyo kung bakit? Dahil may mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan nating makita ang sarili natin sa katauhan ng iba para matauhan tayo. It takes one to know one. Wala akong kakilalang Suma Cum Laude na kaya niyang makita ang mukha nya ng hindi gumagamit ng salamin. Malamang si Einstein at lahat ng may matatabang utak kailangan din nila ng salamin to see the dirt on their face.
 
At the end of the day, kailangan ninyong mag-asawa ang isa’t-isa. Ang isa sa inyo ay ngipin pang-ibaba. Ang isa ang ngipin pang-itaas. Kahit buo pa yung ngipin mo pang-ibaba, kung wala yung ngipin pang-itaas, wala ring kwenta ang ngipin mong kumpleto sa baba. Dahil dun, “better half” ang tawag sa isa’t-isa.

Jaycee De Guzman

Jaycee Silverio de Guzman is a computer scientist by profession. He is the founder and CEO of iPresence Digital Marketing, Inc. and Equilyst Analytics, Inc. He is a husband and a father.
Jaycee De Guzman

Do you have a comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.