Stock Market Investment and Trade Strategies - JayceeDeGuzman.com

Umay na umay ka na ba sa mga Facebook post sa news feeds mo at sa mga sinalihan mong Facebook groups na panay “Greece debt crisis” at “Greece voted no on the referendum” ang topic?

Mauumay ka talaga kung di mo naiintindihan ang topic. Pero sige, explain ko sa Tagalog.

Ano ang sinasabi nilang “referendum”? Ito ang definition na galing kay Google.

“a general vote by the electorate on a single political question that has been referred to them for a direct decision”

In short, botohan.

Sa “referendum” na ito  pagbobotohan ng mga Greek kung pabor sila sa lupon ng mga kondisyones na bilangkas ng Eupean Union (EU), International Monetary Fund (IMF), at European Central Bank (ECB) na nagsisilbing proposal nila kay Greece bilang isang solution sa pagkakautang ng Greece kay IMF na nagkakahalaga ng 330 bilyong euro o 363.2 bilyong US dollars base sa kasalukuyang exchange rate sa Google.

Ilan sa mga kondisyones na pinag-uusapan sa botohang ito ay ang pagtataas ng VAT, pagbabawas sa pension ng mga pensionado, at pagbabawas ng employment sa gobyerno (tama lang ‘to sa mga petiks) ng Greece.

Nagkaroon ng botohan ang mga mamamayan ng Greece.

Greece referendum ballot 2015

Wag na natin i-interpret word for word ang nakasulat sa balotang yan. Ang ibig sabihan ng nakasulat sa balotang yan ay ito: “Approved ba sa iyo lahat ng kondisyones na nakasaad bilang katugunan sa pagkakautang ng Greece? Oo o Hindi?”

Ang resulta: 61.3% ng populasyon ng Greece ay sumagot ng “Hindi”.

Kung pensyonado ka nga naman, malamang, “Hindi” rin ang isasagot mo.
At sinong may gusto sa karagdagang VAT?
At sinong government employee, na madalas pang mag-foundation at magsuklay kaysa sa magmakinilya (disclaimer: may masisipag naman, syempre) ang gustong mawalan ng trabaho sa gobyerno?

Dahil dito, “back to drawing board” ang mga leader ng Greece. Ngayon, may posilidad (take note, hindi naman surebol na matatanggal, may posibilidad lang) na matanggal sa Eurozone ang Greece. Pag nangyari yun, bubulusok pababa ang halaga ng EUR at tataas naman ang palitan mula USD (US dollar) to EUR (euro).

Naturalmente, kapag lumakas ang value ng USD, tataas ang rate ng palitan ng PHP (PH Peso) to USD. Kung sa kasalukuyan ay PHP44:USD1 ang palitan, may posibilidad na tumaas yan at maging PHP45+:USD1. At dahil nabibili sa PH Peso ang stocks sa Pinas, may posibilidad na magbentahan ang mga foreign investors.

At bakit naman?

Syempre, kahit pa naman mataas ang palitan ng PHP to USD, hindi naman PHP ang perang ginagamit ng foreign investors sa bansa nila. Isipin mo na lang, kung may P100M na investment si John Doe sa Philippine stock market, kapag nagbenta sya sa palitang PHP44:USD1, magkano ang maiuuwi nya sa America sa pera nila? Sagot: USD2,272,727.27.

Paano kung tumaas ang palitan mula PHP44:USD1 to PHP45:USD1? Magkano ang maiuuwi ni John Doe sa America sa pera nila? USD2,222,222.22 na lang. Diperensyang USD50,504.00 din yun.

Yan ang dahilan kung bakit may chance na magpull-out ng funds mga foreign investors sa PH stock market kapag natuloy ang Grexit (Greece’s exit from the Eurozone).

Kapag nangyari yun, magpu-pull-out ka rin ba ng funds mo?

Wag kang “gaya-gaya puto-maya” lalo na kung mamera lang ang nakainvest mo sa Philippine stock market. Malaking halaga ang pinag-uusapan kapag foreign investors na ang involved. Para sa kanila, mas mainam na ang mag-pull-out ng funds pansamantala.

Para sa ating retail investors, magkaroon tayo ng intelihenteng plano ayon sa laki ng pondo na nakalagak sa stock market, sa average price, sa foreign investors’ appetite to invest, sa volatility, sa intraday price pattern, at sa kung anu-ano pang mga pwede pang pagbasehan.

So, ano? Gets mo na ang referendum ng Greece na ‘to at ang posibleng maging epekto nito sa Philippine stock market?

Jaycee De Guzman

I am the founder and CEO of iPresence Digital Marketing, Inc. and Equilyst Analytics, Inc. At iPresence, we have been helping SMEs reach and dominate the global market through our digital marketing services since 2001. At Equilyst, we have been helping Filipinos experience a simplified and profitable stock trading and investing experience in the Philippine Stock Market since 2014.
Jaycee De Guzman

Do you have a comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.