Kikita Ka Ba Ng Higit sa P399 Per Month sa Top Stock Picks?

0
897

“Kikita ba ako ng higit pa sa P399.00 if magsa-subscribe ako sa Top Stock Picks?”

Kung ako ang magtatanong ng tanong na ‘to, alam kong nakaka-feeling smart-cookie ang tanong na ‘to.

Pero hindi siya applicable at invalid syang tanong.

Bakit invalid?

Kahit magsulat pa ako ng 100-page analysis para sa isang stock in Tagalog, hindi naman yun dahilan para magkaroon ng utang-na-loob sa akin ang stock na in-analyze ko kung kaya’t dapat paitaas lang ang movement ng share price niya.

Hindi impossible na nakabayad ka na ng doseng P399 at dun pa lang bumabalikwas paitaas ang share price ng stock na nirerecommend ko sa Top Stock Picks.

Hindi rin naman impossibleng nadagdagan ko ng higit sa P1 million ang net worth mo pag-kasubscribe na pagka-subscribe mo pa lang gaya nung naipost ko about ATN (not to mention free tip pa lang yun).

In other words, don’t set false expectation on me na kaya kong obligahin ang stock market na gawin kung ano ang gusto nating mangyari.

Hindi ako Diyos. Analyst ako. 🙂

So anong benefit ng pagsa-subscribe sa Top Stock Picks kung ganun pala ang realistic expectation dapat?

First, iwasan mong gumamit ng words tulad ng surebol, guaranteed, certain, and the likes. Probabilities and Statistics ang subject dito; hindi Surebol 101.

Bigyan kita ng mangilan-ngilang dahilan kung bakit ka DAPAT mag-subscribe.

1. Hindi mo kayang iinterpret talaga ang financial statement ng isang company. Hinalungkat mo pa talaga yung notebook mo sa Basic Accounting noong college pero hindi mo talaga ma-synthesize yung mga numbers na nandun.

2. May konti kang nalalaman sa technical analysis pero hindi ka pa rin confident sa analysis mo. Madalas kapag nakakakita ka ng analysis ng iba, it’s either iniisip mong mali ang analysis mo or nagmamagaling lang yung iba. Pero hindi mo naman masabi if nagmamagaling nga lang sila dahil ikaw mismo hindi ka pa confident sa analytical skills mo. In the end, nag-harvest ka lang ng kalituhan imbes na kalinawan.

3. Madali kang masindak sa hype ng iba. Sarcasm na nga minsan ang post nila, hindi mo pa rin gets. Pero may mas malala kang problema dun, which is hindi mo alam kung ano ang hype sa hindi. Papaano mo nga naman malalaman eh ikaw mismo hindi mo pa alam mag-analyze mag-isa, di ba?

4. Kung kelan nasa portfolio mo na ang stock, dun ka nagtatanong kung tama ang ginawa mo. Dapat nauna ang pag-e-stablish at pag-a-identify sa kung ano ang kabili-bili sa isang stock bago mo ito binili. Feeling mo tuloy para kang ewan na sumakay sa taxi tsaka ka nagtatanong sa driver kung bakit nasa taxi ka.

5. Alam mo naman mag-fundamental analysis at gumawa ng technical analysis. Accountant ka. Summa Cum Laude ka pa. But you know you don’t have the luxury time because busy ka sa work or sa business. So magha-hire ka ngayon ng sevices ng isang taong alam mong either kasinggaling mo or mas magaling sa iyo para naka-focus ka pa rin sa dapat mong pagka-busy-han para data-driven pa rin ang approach mo sa investment decisions kahit busy ka.

6. Wala lang. Gusto mo lang may kapalitan ng insights at opinion kung kaya nag-subscribe ka sa Top Stock Picks. Nakakapagpatibay rin kasi ng conviction yung may ka-“oo nga, oo nga” ka.

Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit need mong mag-subscribe sa Top Stock Picks.

Anim pa lang yan. Pero lahat ng yan mareresolba ng pagsa-subscribe mo sa Top Stock Picks.

Sa Top Stock Picks meron isang table. Dun nakalista lahat ng stocks na nire-recommend ko for long-term investing.

Paano naman if gusto mong mag-short-term trading?

Walang problema. Merong Private Clients Forum.

Pwede kang mag-post dun ng tanong. Bibigyan kita ng detailed, comprehensive, at understandable na analysis. Sasabihin ko rin ang ang personal na opinion ko about sa stock na yan.

Pero wag kang magpaulan ng mga one-liner na, “What can you say about stock XYZ?”

Katamaran na yan.

Introhan mo naman ang tanong mo like tell me first kung anong kapansin-pansin na bagay ang nakita mo kung bakit naisipan mong kunin ang insights at analysis ko about sa Stock XYZ na yan.

Sa Private Clients Forum kasi dinidisiplina ko talaga hindi lang yung mga taong kaka-subscribe pa lang pero gusto maging milyonaryo na bukas kaagad kundi pati yung way of pagtatanong ng mga tao.

EARN and LEARN ang system sa Equilyst Analytics.

Hindi ako nagbebenta ng tsupon dito.

Hindi ako nagpapa-spoonfeed.

Wag ninyo akong i-demote. Analyst ako, hindi yayo.

Bawal ang mga walang sustansyang tanong tulad ng gasgas na gasgas na “What can you say about…..”

Nire-require ko kayong magbigay ng may sustansyang intro para maibaluktot ko yung maling nakasanayan na thought pattern ninyo.

Kapag kasi nasanay ko kayong mag-due diligence muna bago humala-bira sa pagtatanong, eventually magiging foolproof na kayo sa mga hype dahil “teka, ichecheck ko muna” ang default ng isip ninyo na nun.

While I understand that everyone got to start somewhere, I must instill, implement, and reinforce the right attitude and discipline right off the bat. Otherwise, others would think that asking non-specific questions is the status quo and the norm in my tribe. Sooner or later, I won’t be surprised if my forum will be filled with jejemons typing “hue hue hue” and “Piso ang usapan dyan mga dre.”

I have a strict, formal, and disciplinarian personality. If one will subscribe and his or her personality does not blend with mine, it’ll be a painful experience working with that customer.

We don’t offer a free trial at Equilyst Analytics. When I wrote the description of the Top Stock Picks on this page, I made sure that it’s descriptive enough for you to imagine what you will exactly get when you subscribe.

As far as comprehensiveness is concerned, you can imagine how comprehensive my responses are by reading the articles I authored at https://www.equilyst.com/news/ and on www.jayceedeguzman.com. If I already write that much for free, you can imagine how much more attention I give to my paying customers.

I am also hands-on when it comes to attending to the questions in the forum.

Kung tugma ang style at personality mo sa style at personality ko sa pagga-guide at pagtuturo, mag-subscribe ka na.

Click here to subscribe.

P399.00 per month lang. May 5% discount if you’ll subscribe for 6 months; 10% discount if 12 months.

Sa mga kasalukuyang TRC subscribers na nagtatanong if magta-Top Stock Picks na lang daw ba sila o ano, nasa inyo po yan. Meron naman tayong comparison table ng features at fees dun sa Top Stock Picks page.

Read this also: IS THE TOP STOCK PICKS THE SAME AS THE TRULY RICH CLUB?

Magsubscribe ka na today kahit Sunday and pay using your credit/debit card thru PayPal para INSTANT ang activation ng account mo. So you can spend the weekend reading our Quick Start Guide ng maging familiar ka na rin sa platform.

Click here to subscribe.

Jaycee De Guzman

Jaycee De Guzman

I have helped thousands of Filipinos trade independently and invest profitably through the Equilyst Analytics, Inc. I have also helped hundreds of SMEs and Fortune 500 companies build and boost their online presence through iPresence Digital Marketing, Inc. Read my About Me page.
Jaycee De Guzman

Do you have a comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.